ONLINE SELLERS, SOCMED CELEBS HAHABULIN NG BIR

(JOEL AMONGO)

SA hangaring makalikom ng sapat na pondong pantugon sa mga programa at proyekto ng gobyerno, nanawagan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga online sellers at social media influencers na magbayad ng karampatang buwis batay sa pumasok na ganansya.

Partikular na target habulin ng BIR ang mga negosyong gumagamit ng internet kabilang ang online retailers, virtual shopping malls, online marketplaces, web stores at mga kahalintulad ng digital platforms.

Sa bisa ng Revenue Memorandum Circular 55-2013 na inilabas Agosto 2013 at RMC No. 60-2020 na may petsang Hunyo 2020, iginiit ng kagawaran ang obligasyon ng mga negosyanteng gumagamit ng digital platforms sa pagbebenta ng produkto at serbisyo na magparehistro sa nakakasakop na Revenue District Office, pag-iisyu ng BIR-registered invoice at official receipt sa bawat transaksyon ng kani-kanilang negosyo.

Kabilang sa mga sisingilin ng BIR ang buwis na kalakip ng online intermediary service, online advertisement/ classified ads, online auctions, gateways, delivery channels, internet service providers at iba pang facilitators.

Babala ng kawanihan, sasampahan ng kasong tax evasion at karagdagang 50% na multa batay sa ‘di binayarang buwis ang mga magkikibit-balikat lang sa umiiral na reglamento.

43

Related posts

Leave a Comment