OPTICAL MEDIA BOARD PANAHON NANG BUWAGIN

KUNG si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang masusunod, mas nais niyang buwagin na ang Optical Media Board dahil wala na anya itong silbi.

Sa deliberasyon sa panukalang budget ng OMB, sinabi ni Estrada na inihain na niya ang Senate Bill 1904 upang buwagin na ang ahensya kasabay ng pagtiyak na walang madidisplace na mga empleyado.

Kinatigan naman ng sponsor ng budget na si Senador Mark Villar ang paggiit ni Estrada na panahon nang reviewhin ang mandato ng OMB sa gitna ng makabagong teknolohiya at wala nang mga piniratang CD o DVDs

Sa ngayon, ang trabaho na lamang ng OMB ay regulatory at hindi na enforcement.

Samantala, nanganganib na wala nang swelduhin ang mga empleyado ng ahensya sa pagsapit ng Disyembre dahil sa kawalan ng namumuno rito ngayon.

Nabatiid na nagbitiw na sa posisyon bilang OIC at CEO ng OMB si James Ronald Macasero matapos na maghain ng kandidatura nitong Oktubre kaya’t wala nang lumalagda sa mga vouchers para sa sweldo, benepisyo at iba pang dokumento.(Dang Samson-Garcia)

54

Related posts

Leave a Comment