P1.5-B PAUTANG SA MAGSASAKA ‘DI SAPAT

(NI NOEL ABUEL)

NAGPASALAMAT si Senador Francis Pangilinan kay Agriculture (DA) Secretary William Dar sa programa nitong pagpapautang sa mga magsasaka bunsod ng dinaranas na kahirapan ng mga magsasaka sa buong bansa.

Ayon kay, nagagalak ito sa P1.5 bilyong loan package sa mga rice farmers na naapektuhan ng pagdagsa sa bansa ng mga murang bigas subalit sa kabilang banda ay hindi pa rin umano ito nakatutulong sa mga magsasaka.

Paliwanag pa ng senador, aabot sa P60 bilyon ang nalulugi sa mga magsasaka kung kaya’t maliit na bagay ang nais na mangyari ng DA.

“Nagpapasalamat tayo kay Agriculture Secretary William Dar sa agarang aksyon para sa ating mga magsasaka. Malaking tulong itong pautang na ito. Suntok sa sikmura ng mga magsasaka ang batas at siguradong ‘di sapat ang minsanang pautang. Kailangan ng ating magsasaka ang agarang cash assistance. Dumaraing sila, pakinggan natin ang daing nila,” paliwanag ni Pangilinan.

Nabatid na inihayag ni Dar na ang mga magsasakang may sinasakang 1 ektaryang lupa ay makatatanggap ng P15,000 nang walang interes at maaaring bayaran sa loob ng 8-taon sa ilalim ng Expanded Survival and Recovery Assistance Program for Rice Farmers (SURE Aid).

Kapalit nito ang pagbawi sa P5,000 conditional cash transfer na tinatanggap ng mga magsasaka na aabot sa P6 bilyon na magbebenepisyo sa nasa 1.1 milyong magsasaka.

Isa sa nais ni Pangilinan na malaking tulong  sa mga magsasaka ang pamamahagi ng P25,000 zero-interest loan sa ilalim ng SURE Aid.

 

149

Related posts

Leave a Comment