P1.9 BILYONG TAX LEAKAGES NG LEGITIMATE POGOs IKINADISMAYA NG SENADOR

DISMAYADO si Senador Win Gatchalian na kahit ang mga lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay pabaya sa pagbabayad ng tamang buwis.

Iginiit ng senador na maging ang mga lisensyadong POGO sa bansa ay nag-underdeclare ng kanilang bayaring buwis sa gobyerno.

Batay anya ito sa pagkakaiba ng gross gaming revenues na kanilang isinumite sa Bureau of Internal Revenue at Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.

Iginiit ni Gatchalian na mas mataas na buwis sana ang nakolekta ng gobyerno mula sa mga lehitimong POGO kung naging mas tapat sila sa kanilang mga transaksyon sa BIR at PAGCOR.

Binigyang-diin ng mambabatas na naglagay na ng tax regime ang Kongreso para sa mga POGO upang mabawasan ang mga hindi nakokolektang buwis.

Base pag-aaral ni Gatchalian, may tinatayang tax leakage na umaabot sa P1.9 bilyon dahil sa pagkakaiba ng gross gaming revenue na iniulat ng BIR at PAGCOR mula sa mga POGO mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Malinaw, ayon kay Gatchalian na hindi nakakamit ng bansa ang benepisyo ng pagpasok ng mga POGO operators

Kaya panahon anya para isaalang-alang ang pagbuo ng iba pang mga industriya na sustainable, high-yielding, at pangmatagalang negosyo.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang mga foregone revenues mula sa POGO operators ay maaaring nagamit sana para mapahusay ang healthcare system ng bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

9

Related posts

Leave a Comment