P1-B IBINALIK NG PCSO SA BTr

IBINALIK na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Bureau of Treasury (BTr) ang charity fund nito na may kabuuang P1 bilyon.

Pormal na iniabot ni PCSO General Manager Royina Garma ang tseke ng nasabing halaga sa isang turn-over ceremony nitong Lunes ng umaga sa ground floor ng PCSO Conservatory sa Mandaluyong City.

Ang nasabing halaga ay bukod pa umano sa P2.2 bilyon dividend remittance na ibinigay ng ahensya sa pamahalaan noong 2019. Ang karagdagang P1 bilyon remittance ay gagamitin ng pamahalaan sa pagsugpo sa COVID-19.

Pinasalamatan naman ni Garma ang mga mananaya sa patuloy na pagtangkilik sa PCSO sa kabila ng krisis na nararanasan ngayon.

“Nagpapasalamat ako sa mga patrons o mananaya namin na kahit na dumaan ang pandemya ay hindi nagsawa na sumoporta sa amin at naniwala sa aming mga produkto. Kundi sa kanila ay wala kaming maibibigay o maibabalik na tulong sa kanila,” ani Garma.

“Salamat din sa aming mga empleyado na laging handa sa pag-ambag ng kanilang mga sarili sa pagtatrabaho upang makamit namin ang aming mga targets at para matupad ang patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan lalo na sa panahon ng pandemya. Sana po ay patuloy nyo kaming suportahan sa mga darating pang buwan papunta sa pagdating ng bagong taon,” dagdag pa niya. (KNOTS ALFORTE)

72

Related posts

Leave a Comment