(NI BERNARD TAGUINOD)
INAMIN umano ni Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief Patrick Ty na magpapatong ang MWSS ng P1 kada cubic meter ng tubig na makokonsumo ng mga consumers para sa konstruksyon ng Kaliwa Dam.
Hindi sinabi ni Gabriela party-lsit Rep. Arlene Brosas kung kailan ito ipatutupad subalit hindi ito aniya makatarungan dahil hindi nagagampanan ng mga water concessionaires ang kanilang tungkulin na 24/7 na supply ay ipapasa sa taumbayan ang gagastusin sa Kaliwa Dam.
“Sobra-sobrang perwisyo na nga ang dinulot nitong kapalpakan ng pribadong water concessionaires, gusto pang dagdagan ng MWSS ang bayarin ng mga customer. And why should customers shoulder the costs of constructing new watee sources?,” ani Brosas.
Hanggang ngayon ay libu-libong consumers pa rin aniya ang walang sapat na supply ng tubig subalit imbes na unahing resolbahin aniya ang problemang ito ay mistulang uunahin ang paniningil ng dagdag na bayarin sa tubig.
135