P1-M ‘VOTE BUYING’ SA SPEAKERSHIP KINUMPIRMA NI ALVAREZ

speaker23

(NI ABBY MENDOZA)

HINDI pa man nagsisimula ang 18th Congress simula na ang gapangan sa kung sino ang susunod na House Speaker.

At sa gitna ng inaaaahang mainit na labanan sa mga contenders, kinumpirma ni dating House speaker Pantaleon Alvarez na may nag-aalok na ng P1M sa bawat kongresista para makuha ang kanilang boto.

Bagama’t hindi tinukoy ni Alvarez kung sino sa mga aspirante sa speakership ang nagsisimula na ng vote buying sa mga kongresista, kinumpirma naman nito na P1M ang pondo para dito.

Nitong nakaraang araw ay isang text message ang sumingaw sa House of Representatives na tila nanggaling sa tanggapan ni Mariduque Rep. Lord Allan Velasco kung saan nakasaad sa text ang imbitasyon para sa ilang kongresista.

“This is Lori Gascusan from the Office of Cong Lord Allan Velasco.May we invite you next week May 27(Monday) at Unit 3601, Robinsons Equitable Tower ADB Ave Corner P. Poveda St, Ortigas Center, Pasig City between 11am-6pm.Important matters will be discussed.”

Kasabay ng kumalat na text message ay sinasabing si  San Miguel Corp. President Ramon Ang na malapit kay Velasco ang magpopondo ng lobby fund.

Wala namang reaksyon pa ang tangapan ni Velasco kaugnay sa sumingaw na text message.

Ngunit inamin ni Alvarez na ngayon pa lamang ay alam na na pera ang syang magdedesisyon kung sino ang susunud na House Speaker.

“That, sadly, is what’s going on in the Lower House. I won’t say who it is,” pahayag ni Alvarez sa panayam sa kanya ng ANC.

Babala ni Alvarez na nanindigang hindi sya gagamit ng ganitong taktika para lang makuha ang pwesto sa Kamara na nakakabahala kung sa ganitong paraan uupo ang magiging House Speaker ng 18th Congress.

“Such dubious methods as vote-buying would compromise the Speaker’s position.

If we do that, we will be compromising the position of the speakership,”giit pa nito.

Si Velasco ay sinasabing paborito ni Davao City Mayor Sara Duterte, bagamat nauna nang nanindigan ang alkalde na hindi makikialam sa House Speakership ay hindi pa rin umano ito kapani kapaniwala lalo at ang impluwensiya nito sa Kamara ang syang nagpatalsik noon kay dating House Speaker Alvarez at nagluklok sa pwesto kay House Speaker Gloria Macagal Arroyo.

Sinabi ni House Minority Leader at Quezon Rep Danilo Suarez na siyang nasa likod ng manifesto of support para sa isa pang contender sa Speakership na si Rep Martin Romualdez,  magiging malaking factor para sa 2022 election kung tatakbo sa Presidential election si Mayor Sara kung si Velasco ang mahihirang na Speaker.

“I’m not saying it will be the winning edge, but it will be a factor.The Speaker can accomplish big things in 2022 as it can hold over public policy through its power of the purse,” ani Suarez.

 

 

170

Related posts

Leave a Comment