P10K TEACHING ALLOWANCE SURE NA SA SUSUNOD NA TAON

WALA nang makapipigil sa implementasyon ng Kabalikat sa Pagtuturo Act na naglalayong itaas sa P10,000 ang teaching supplies allowance ng bawat pampublikong guro.

Ito ay sa gitna ng pagpapalabas ng Implementing Rules and Regulation ng batas na ayon sa pangunahing may-akda na si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ay pagtatapos ng mahabang proseso na pinagdaanan ng panukalang layung tulungan ang mga guro sa gastusin sa kanilang pagtuturo.

Sinabi ni Revilla na matagal man ang naging laban, naipanalo pa rin ito para sa kapakanan ng mga guro.

Ang pag-apruba ng IRR anya ay hudyat na handa na sa implementasyon ang batas bilang suporta at pagkilala sa napakahalagang papel na ginagampanan sa sektor ng edukasyon.

Pinasalamatan naman ni Revilla ang si Education Secretary Sonny Angara sa agarang pag-apruba nito sa nasabing IRR. (DANG SAMSON-GARCIA)

99

Related posts

Leave a Comment