P19-B HINIHINGI NG DOH SA PAGBILI NG GAMOT SA 2020

duque33

(NI BERNARD TAGUINOD)

BABANTAYAN  na ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Department of Health (DOH) sa pagbili at pagdeliver ng gamot sa mga public hospital matapos matuklasan na humihingi ang departamento ng P19.1 billion na pondo para pambili ng gamot sa susunod na taon.

Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil hindi katanggap-tanggap aniya na umaabot sa P18.449 billion na binili ng DOH mula 2015 hanggang 2018 ang hindi pa naibibigay sa mga public health care facilities base sa report ng Commission on Audit (COA).

Kabilang sa mga gamot na ito ang may P367-million halaga ng gamot na nag-expire at nakatakdang mag-expire dahil hindi ito naibigay sa mga public hospital at clinics gayung mahihirap at nangangailangan ng libreng gamot.

“If the department can afford to spend billions of pesos every year to buy new drugs and medicines, surely it can also afford to pay for private contractors to get the supplies moving fast,” ani Defensor.

Natuklasan ni Defensor ang hinihinging pondo ng DOH sa pagbusisi ng Kamara sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion.

Mas malaki  aniya ito ng P3.7 Billion sa P15.4 Billion na ibinigay sa DOH ngayong 2019 para pambili ng gamot, medical at dental supplies kaya dapat aniyang bantayan ang nasabing ahensya.

“We are all for the DOH’s purchase of new drugs and medicines, as long as these benefit disadvantaged Filipinos, and do not just go to waste because of bad inventory management and logistical issues in getting the supplies to the provinces,” ayon kay Defensor.

Base sa patakaran, 80% sa mga binibiling gamot ng DOH ay dapat ibigay sa mga probinsya subalit hindi nakararating ang mga ito sa tamang panahon kaya nasisira na lamang.

86

Related posts

Leave a Comment