P1B SA GAMOT NG HIV VICTIMS GAGASTUSIN NG GOBYERNO SA 2022 

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL parami nang parami ang mga biktima ng human immunodeficiency virus (HIV), gagastos ang gobyerno ng hanggang P1 billion para sa gamot ng mga ito pagdating ng taong 2022.

Ito ang pagtatayang ginawa ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor dahil higit 10,000 ang naidaragdag na HIV patients kada taon kung ang datos mula 2015 hanggang 2018 ang pagbabasehan.

Ang DOH ay nakapagtala na  ng  5,366 bagong biktima ng HIV mula Enero hanggang Mayo ngayong taon kaya nangangamba ang mambabatas na lalagpas din sa 10,000 ang maidaragdag sa listahan ngayong 2019.

Ayon kay Defensor, sa ngayon ay gumagastos ang Department of Health (DOH) ng P478 Million kada taon para pambili ng antiretroviral therapy (ART) upang humaba ang buhay ng mga HIV patients.

“The amount is likely to balloon to P1 billion annually by 2022, as more Filipinos living with HIV emerge and seek treatment,” anang mambabatas para sa 38,279  biktima.

Katumbas pa lamang ito ng 57% sa  67,395 cases na nasa listahan ng National HIV and AIDS Registry mula 1984 hanggang Mayo 2019.

Kahit 90% lamang umano sa mga naidaragdag na biktima ng HIV kada taon ang magpapatulong sa DOH para makakuha ng nasabing gamot ay aabutin aniya ng P1 Billion ang gagastusin ng gobyerno para sa mga ito.

“Congress is absolutely committed to find ways to help the DOH achieve its 90-90-90 target in fighting HIV,” ani Defensor na ang tinutukoy ay 90% sa mga biktima malaman ng gobyerno;  90% sa mga ito ay hindi nakapanghawa pa at 90% naman ang matulungan.

“We would also urge not just the DOH but also provincial, city and municipal health offices in regions with high HIV concentrations to invest more aggressively in preventive programs,” ani Defensor.

278

Related posts

Leave a Comment