P1K MONTHLY AYUDA SA LAHAT NG SENIOR CITIZEN IKINAKASA

seniors44

(NI NOEL ABUEL)

BIBIGYAN ng P1,000 kada buwan ang lahat ng senior citizens sa buong bansa sa sandaling maipasa ang panukalang inihain sa Senado.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, dapat na pagkalooban ang lahat ng nakatatanda sa bansa ng dagdag na ayuda para magamit na dagdag panggastos ng mga ito.

Nakapaloob sa inihain nitong Senate Bill 259, nais nitong amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, sa dalawang pagkakaton.

Inihalimbawa pa ng senador na dodoblehin ang buwanang pensyon mula P500 ay gagawing P1,000 at palawigin ang lahat ng programa ang mga indigent seniors sa bansa.

“Kinikilala natin ang mga contribution ng ating mga senior citizens sa pag-unlad ng bayan. Nagbigay ng ginhawa ang pinasa nating batas sa tatlong milyong mahihirap na senior pero malaki pa ring porsyento ng mga senior ang di kasama sa programa,” paliwanag ni Pangilinan.

Giit pa nito na sa panahon ngayon ay hindi na nakasasapat ang P500 buwang pensyon dahil sa mataas ang bilihin kabilang na ang mga gamot.

“Hindi na ito sapat para sa araw-araw na gastusin at lalo na sa pang-medical. Tumaas na ang halaga ng mga pangunahing bilihin at binaba nito ang totoong halaga ng social pension na tinatanggap nila ngayon,” sabi nito.

118

Related posts

Leave a Comment