P2-B VIROLOGY INSTITUTE ITATATAG

ping lacson 12

NAGHAIN ng panukalang batas si Senador Panfilo Lacson upang lumikha ng isang Virology Institute sa Pilipinas at maglalaan ng halagang P2 bilyon para sa research and development ng pagtuklas ng mga gamot sa anomang uri ng sakit tulad ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Lacson, siyensiya at teknolohiya lamang ang tamang gabay upang malutas ang mga problemang dulot ng pandemya tulad ng COVID-19, kaya kailangan ang pagpapatayo ng isang institusyong tutuklas sa mga solusyon para sa sakit na ito.

Sa ilalim ng Senate Bill 1543, layunin ni Lacson na itatag ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP).

Ayon kay Lacson, kada araw ay patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19. Sa Pilipinas lamang ay hindi bababa sa 873 ang kumpirmadong namatay. Dahil din dito, nagkaroon ng malawakang suliraning panlipunan at pang-ekonomiya.

Ipinunto pa ng mambabatas, hindi lamang ang COVID-19 ang mahahanapan ng lunas ng VIP dahil sasakupin na rin nito ang mga peste at mga sakit na umaatake sa kabuhayan ng mga Pinoy gaya ng mga alagaing baboy at iba pa. (ESTONG REYES)

67

Related posts

Leave a Comment