P200-B SAVINGS IPINAGAGAMIT NA

gloria

(NI BERNARD TAGUINOD)

PWEDE nang gamitin ang P200 Billion na savings o hindi nagastos ng gobyerno noong 2018 matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution (JR) No.3 na inakda ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nagbibigay ng karagdagang buhay sa 2018 national budget.

Ito ang inanunsyo ng liderato ng Kamara sa pamamagitan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., matapos makarating sa kanilang kaalaman na piniramahan na ni Duterte ang nasabing resolusyon.

Inakda ni Arroyo ang nasabing resolusyon dahil sa cash-budgeting system na itinutulak ng mga economic managers ni Duterte kung saan lahat ng mga hindi nagamit na pera noong 2018 ay hindi maaaring gamitin ngayong 2019.

Magugunita na halos halos P1 bilyon ang hindi nagastos na pondo ng gobyernong Duterte mula 2016 hanggang 2017 kaya umakyat sa P2.3 bilyon  ang hindi nagamit na pondo mula 2010 kung saan sa nasabing halaga ay P1.3 Billion mula sa anim na taon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

 

Dahil sa pangambang ibabalik lang sa National Treasury ang P200 Billion na hindi nagamit ng mga eonomic managers ni Duterte noong 2018, ay inakda ni Arroyo ang nasabing resolusyon na nagbasura sa Section 61, o ang  “Availability of Appropriations of 2018 GAA” ay hanggang Disyembre 31, 2018 lang puwedeng magamit.

 

220

Related posts

Leave a Comment