P25 BIGAS SA KADIWA STORES SAPAT – PBBM

SAPAT ang suplay ng murang bigas ng National Food Authority (NFA) sa mga Kadiwa store ngayong Kapaskuhan.

Noong Sabado, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “surprise inspection” sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City.

Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na nais niyang masiguro na may sapat na suplay ng bigas na mabibili sa murang halaga sa lahat ng Kadiwa outlets.

“This is already the season na naglalabas na ng bigas, so tuluy-tuloy na siguro ito para naman matiyak natin na ang Kadiwa ay hindi mauubusan ng commodities na ipagbibili at a good price na P25,” ani Pangulong Marcos.

“Tinitignan ko kung saan manggagaling ‘yung ‘supply na pinagbibili natin sa mga Kadiwa. So, pinuntahan ko muna kung may laman naman ‘yung mga warehouse at merong parating pa nga,” dagdag na wika ng Pangulo.

At sa tanong kung sapat ang suplay ng bigas, sumagot si Pangulong Marcos sa mga mamamahayag na “Oo, mukha naman, so far. Nabawasan kasi, talagang binawasan natin ‘yung importation, doon natin kinukuha sa production. So okay, I think we’ll be alright.”

Gayunman, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan mahigpit na i-monitor ang suplay ng bigas dahil makaaapekto sa produksyon ang “masamang panahon.”

“Pero, siyempre, kailangang bantayan nang husto iyan. ‘Pag tinamaan na naman tayo ng masamang weather, mararamdaman na naman natin ‘yan sa supply ng palay, ng bigas,” ayon sa Pangulo.

Si Pangulong Marcos ay umuupo rin bilang Agriculture secretary.

Ukol naman sa suplay ng sibuyas, sinabi ng Pangulo na tinutugunan na ng gobyerno ang problema hinggil dito.

“Ang nangyayari ngayon is that we’re finding a way. Ang daming nahahanap ngayon na smuggler na kinukuha namin. As quickly as possible, naghahanap nga kami ng paraan kasi usually ‘yan kakasuhan mo pa bago i-auction. By the time i-auction mo ‘yan, wala na, sira na ‘yan. Kaya sabi ko hanap tayo ng paraan para mailabas kaagad, mailagay sa market lahat ‘yan. So ‘yun ang pinag-aaralan namin ngayon, anito.

“Baka by next week meron na tayong solution,” aniya pa rin.

Tinatayang may P3.9 milyong halaga ng imported white onions na di umano’y smuggled ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Divisoria, Maynila kamakailan. (CHRISTIAN DALE)

444

Related posts

Leave a Comment