P250-M KADIWA FUND INAAMAG

BAGAMA’T maraming pamilya ang nagugutom, inaamag lamang ang pondo ng Kadiwa sa Department of Agriculture (DA) dahil hindi ginamit para makabili ng murang pagkain ang mga tao.

Ito ang isiniwalat ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee sa isang panayam kahapon, kaugnay ng pondo sa DA na pinamunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa loob ng 16 buwan.

“Meron pong budget ang Kadiwa this year, hindi po nagamit. Zero spending,” ani Lee kaya hinamon nito ang bagong kalihim ng DA na si Francisco Tui-Laurel Jr., na gamitin ang mga pondong inilaan para sa mahihirap na inaamag lamang sa nasabing ahensya.

Sa nakaraang mga buwan ay may mga binuksang Kadiwa Centers kaya lumalabas na hindi ang budget ngayong taon ang ginamit sa nasabing proyekto na karamihan ay nagsara na.

BBM pananagutin

Samantala, nais ni ACT Party-list Rep. France Castro na panagutin pa rin si Pangulong Marcos sa kanyang kapalpakan bilang kalihim ng DA sa nakaraang 16 buwan, kaya lalong naghirap at nagutom ang mga tao.

Ayon sa mambabatas, imbes na matupad ni Marcos ang pangako nito na makabibili ang mga tao ng P20 kada kilo ng bigas, ay dumoble pa ang presyo nito at sa kanyang pamumuno rin nangyari ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng sibuyas, sili at iba pang agricultural products.

(BERNARD TAGUINOD)

174

Related posts

Leave a Comment