(NI NOEL ABUEL)
DAPAT nang gamitin ng pamahalaan ang P28 bilyon pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para ipambili ng bigas sa mga magsasaka.
Ito ang panawagan ni Senador Cynthia Villar sa Department of Social Welfare Development (DSWD) kung saan dapat aniyang ikonsidera na bigyan ng bigas ang mga benepisyaryo ng 4Ps para makatulong sa suliranin ng mga magsasaka.
Paliwanag pa ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, maliban sa health and education grants, may karapatan umano ang mga 4Ps household-beneficiaries na makatanggap ng 20 kilo ng bigas kada buwan subalit ginagawang cash na lamang.
“Last year, this proposal was shelved because of logistical requirements. But I want them to take another look at this lalo na ngayon at naghahanap tayo ng paraan para matulungan ang mga magsasaka na maitawid sila sa transition phase ng rice tariffication law. Siguro kahit mahirap, gawin na natin kung ito ang makakatulong sa kanila,” sabi pa ni Villar.
Paliwanag pa nito na sa oras na matuloy ang panukala ay makatutulong ito sa mga magsasaka na mabagsakan ng inaaning bigas ng mga ito.
“I hope, given our situation now, our government will be more receptive of this proposal as we wait for the full benefits of the rice tariffication law to be felt by the local industry,” aniya pa.
149