P3-K CHRISTMAS BONUS SA BRGY OFFICIALS IGINIIT

(NI NOEL ABUEL)

INIREKOMENDA ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng Christmas bonus sa mga opisyales ng barangay sa buong bansa.

Ayon sa senador, hiniling nito sa Pangulo na pagkalooban ng P3,000 Christmas incentives sa mga barangay captains, kagawad, Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons, at Indigenous People’s Mandatory Representatives (IPMRs) para sa kasalukuyang taon.

Paliwanag ni Go, ang nasabing incentives ay regalo dahil sa maayos na trabaho ng mga ito bilang pinaliit na pamahalaan.

“Sinuggest ko po ‘yan kay Pangulong Duterte para mapasaya ang ating mga barangay officials na walang sawang nagseserbisyo sa kanilang mga komunidad,” sabi nito.

“Gumagawa po kami ng paraan ni Pangulong Duterte na mabigyan man lang kayo ng Christmas incentives o anuman po na pwede ninyong magamit ngayong pasko para po sa mga elected barangay officials,” dagdag pa ng senador.

 

146

Related posts

Leave a Comment