P300-B INVESTMENT DEALS INAASAHAN SA JAPAN VISIT NI DU30

DUTERTEJAPAN12

(NI CHRISTIAN  DALE)

TINATAYANG nasa P300 bilyong halaga ng investment deals ang makukuha ng Pilipinas sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.

Nakataldang dumalo ang Pangulo sa Nikkei 25th International Conference on The Future of Asia sa May 30 hanggang 31 sa gitna ng patuloy na lumalakas na ugnayan sa ekonomiya ng Pilipinas at Japan.

Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na ang kasunduang makukuha sa biyahe ng Punong Ehekutibo ay magreresulta sa 80,000 na trabaho para sa mga Pilipino.

Sinasabing nasa 20 business agreements sa larangan ng imprastraktura, manufacturing, electronics, medical services, business processing outsourcing (BPO), power, kuryente, transportasyon, automotive, food manufacturing at marine manpower industries ang nakatakdang tintahan sa sidelines ng Duterte visit.

“The Department of Trade and Industry is consistently pursuing investments from all countries to provide decent employment opportunities to Filipinos. This is part of President Duterte’s Tapang at Malasakit approach to nation-building and DTI’s priorities, summed up as Trabaho, Negosyo, Konsyumer,” ang pahayag ng Kalihim.

Matatandaang, noong 2018, ang Japan ang pangalawang pinakamalaking partner sa kalakalan ng Pilipinas kung saan naitala ang US$20 billion na kabuuang halaga ng negosyo.

Habang nasa US$9.5 billion ang halaga ang export o iniluluwas ng Pilipinas sa Japan at US$10.5 billion ang halaga ng import o inaangkat ng bansa mula sa Japan.

124

Related posts

Leave a Comment