(NI NOEL ABUEL)
TINIYAK ng mga senador na hindi ididiskaril o ibibimbin ang pag-apruba sa P4.1 trilyon na 2020 national budget at hindi matulad sa nangyari noong nakaraang taon.
Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chair ng Senate Committee on Finance, kung saan target nitong maaprubahan bago ang October 5, 2019 at malagdaan ito bago o sa Disyembre 15.
“We will be observing the practice of holding parallel hearings so that when the House-approved general appropriations bill (GAB) will arrive here in October or first week of November we are done with the exhaustive review of the agency budgets at the committee level,” sabi ni Angara.
“The fighting target is to have it signed on or before December 15. What is important is that the nation will greet the new year with a new national budget,” dagdag nito.
Sa panig naman ni Senador Panfilo Lacson, na kilalang matinik sa pag-usisa sa isinusumiteng inaprubahang national budget ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, sinabi nitong dapat tiyakin ng mga kongresista na walang nakasingit na pork barrel dito.
“Depende. Huwag kalikutin nang husto madadali ‘yan. Pero pag may nakita kaming kung saan-saan napunta ang budget ng mga agencies at naglutangan sa mga distrito, hindi natin maipapangako na madadali. It’s on them to pass the budget on time or not,´sabi nito.
“Lumalaki ang requirements. Siyempre I for one will be there to scrutinize as I always do. Hindi ako magpapabaya sa tungkulin naming mag-scrutinize ng budget. After all paulit-ulit ako lifeblood ito kasi pag pinabayaan mo kung saan-saan napupunta, dami nasasayang,” sabi ni Lacson, na inihalimbawa ang kaso ng Department of Health (DOH) na pinakamalaking tatanggap ng budget.
“Ngayon nakikita natin one of the biggest beneficiaries of the budget sa 2020 is the DOH. Nakita natin sa overstocking lang we’re counting over P3B na nasasayang. Plus ang loss in inefficiency and corruption baka mas malaki pa. Anyway there will be a hearing the day after tomorrow and we will find out from them kung ano ang mga corrective measures na dapat gawin,” paliwanag ni Lacson.
194