P4.1T 2020 PROPOSED BUDGET OK NA KAY DU30, GABINETE

duterte32

(NI BETH JULIAN)

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Gabinete nito ang panukalang P4.1 trillion national budget para sa taong 2020.

Ang proposal ay isusumite sa Kongreso para sa pagbusisi.

Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 12 percent kumpara sa 2019 budget na nagkakahalaga lamang ng P3.757 trillion.

Sa ilalim ng Saligang Batas ay magsasagawa ng pagdinig ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para rito at pagkatapos ay pagtutugmain ng Senado at Kamara ang kani-kanilang bersyon bago isumite sa Malacanang para sa pag aprub ni Pangulong Duterte.

Kabilang sa nakapaloob sa nasabing 2020 proposed budget ay ang infrastructure development at ang implementasyon ng mga bagong programa ng pamahalaan kabilang na ang Universal Health Care Act, Bangsamoro Organic Law, Rice Tarrification Act, Pantawid Pamilyang Pilipino Program at ang Department of Human Settlement and Urban Development Act kasama rin ang pagpondo sa universal access to Quality Tertiary Education Act, Unconditional Cash Transfer Program at ang Coastal Resource Management Program.

“This budget proposal is designed to respond to the needs of the majority of our conutryman longing to be uprooted from the decades of what our vasic necessities, inadequate supply of basic services,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“We assure everyone that out people’s money, with education receiving the biggest slice of the budget, followed by public works, transportation, and health, will be spent wisely to reach a state of vibrant economy that will be felt by the citizenry,” dagdag pa ni Panelo.

 

 

258

Related posts

Leave a Comment