P420-M CROP INSURANCE HANDA NA SA APEKTADO NG EL NINO

elnino2

HANDA na sa susunod na dalawang linggo ang kabuuang P420 milyong insurance claims sa buong bansa para sa mga magsasakang nalugi o namatay ang mga pananim dahil sa tagtuyot dulot ng El Nino phenomenon, ayon sa Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC)

Ang tagtuyot ay inaasahan sa buong panahon ng summer kung saan naapektuhan na ng limang porsiyento ang produksiyon ng bigas sa unang tatlong buwan, ayon sa pagtatala ng gobyerno.

Posible rin umanong maapektuhan ang industriya ng asukal na makuha ang taunang US quota para sa kasalukuyang taon dahil nakatuon ang atensiyon ng bansa sa mga nakaimbak na produkto, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa report kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, sinabi ni PCIC president Jovy Bernabe na ang P420 milyon ay ibinase sa notices of loss na inihain noong Marso 15.

Sinabi ni Bernabe na ibabayad na nila ang naturang halaga sa 36,338 magsasaka sa buong bansa.

“The [number of claimants] will still increase as we continue to accept and process the notices of loss of more affected farmers [for] the duration of this drought phenomenon,” sabi pa ni Bernabe.

209

Related posts

Leave a Comment