P500K FINANCIAL AID SA NASAWING SUNDALO

duterte

BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng mga namatay na sundalo sa twin blasts sa Jolo, Sulu at nagbigay ng P500,000 tulong pinansiyal para rito.

Sinabi ni Defense Secretary Lorenzana na ang financial assistance ay mula P200,000 hanggang P400,000 depende sa ranggo ng sundalo.

Ang tulong umano ay mas mataas nang malaki sa monthly pension na matatanggap ng mga namatay.

Hinarap din ng Pangulo ang pamilya ng mga sundalo na namatay sa pagitan ng gobyerno at Abu Sayyaf sa Parikul, Sulu, gayundin ang pamilya ng 32 sundalo na namatay mula Pebero 2016 hanggang 2019.

“They had some concerns about the benefits due them such as housing, jobs and other things,” sabi ng defense chief.

Nasa pagbisita rin si Labor Secretary Silvestre Bello III upang tugunan ang problema sa trabaho gayundin dsi National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. para naman sa problema sa pabahay.

 

4

Related posts

Leave a Comment