P6-T BUDGET IPAPASA SA LOOB NG ISA’T KALAHATING BUWAN

PAGTITIBAYIN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion sa loob lang ng isa’t kalahating buwan.

Ito ang nabatid sa liderato ng Kamara matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nasabing halaga bilang pambansang budget ng gobyerno sa susunod na taon.

“House will again work doubly hard to pass the proposed P6.352-trillion 2025 General Appropriations Bill (GAB) before we go on break this end of September 2024,” ani House Speaker Martin Romualdez.

Base sa kalakaran, ibinibigay ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget proposal sa Kamara dalawang linggo pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Nangangahulugan na matatangap ng Kamara ang budget proposal sa ikalawang linggo ng Agosto dahil isasagawa ang SONA ni Marcos sa July 22, kaya meron lamang anim na linggo ang kapulungan para pagtibayin ito bago ipasa sa Senado.

Sinabi ni Romualdez na prayoridad ng Kapulungan ang pagpapatibay sa pambansang pondo subalit kailangan pa rin aniyang ipasa ang natitirang mga panukalang batas na napagkasunduan sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) na pagtitibayin.

Wala pang detalye sa 2025 national budget subalit sinabi ni Romualdez na kabilang sa magkakaroon ng malaking pondo ay ang sektor ng edukasyon, kalusugan, agrikultura, imprastraktura at national defense.

“We have to continue building roads, highways, ports, school buildings, climate change-proof structures, and similar infrastructure to maintain and expand economic growth. Progress has to reach the remotest communities,”ayon pa sa lider ng Kamara.

Samantala, idineklara naman ni House secretary general Reginald Velasco na hand ana ang Batasan Pambansa Complex para sa ikatlong SONA ni Marcos.

“We are ready to adjust to accommodate our partners from the Office of the President (OP) and the Senate,” ani Velasco kung saan inayos na ang loob ng session hall na siyang tradisyunal na pinagdadausan ng SONA ng pangulo ng bansa. (BERNARD TAGUINOD)

25

Related posts

Leave a Comment