Paalala sa A4 workers WORK ID LANG PARA MABAKUNAHAN

0

PUWEDENG office identification card o work ID lang ang bitbit at ipiprisinta ng A4 workers kapag sila’y magpapabakuna laban sa COVID-19.

Pruweba ito na ang isang A4 worker ay frontliner o mga nagtatabaho sa labas ng kanilang bahay.

“I think office ID—Work ID would suffice ‘no kasi ngayon ang definition ng A4 is broad enough to include anyone who works outside of his home and a work ID would be sufficient,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Nauna rito, inilarga kahapon ang “symbolic rollout” ng COVID-19 vaccine para sa essential workers o mga kabilang sa A4 priority group.

Sa pangunguna ni Joey Concepcion, presidential adviser on entrepreneurship, isinagawa ang ceremony sa Mall of Asia Arena.

Ayon kay Concepcion, idinaos ang pledging ceremony para magkaroon ng simbolo ang pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor para mabilis na maisagawa ang pagbabakuna kontra COVID-19 ng publiko.

Ani Concepcion, handa na sila sa programang ito ngunit dahil sa kakulangan sa bakuna ay hindi naiiwasan ang pagkaantala.

Una nang nakabili ang pribadong sektor ng 1.17 million na AstraZeneca vaccines na nakatakdang dumating sa Hulyo. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment