PAARALAN ITATAYO NA SA LIBLIB NA LUGAR

SA kabila ng programa ng Department of Education (DepEd) na maibalik na sa susunod na buwan ang face to face classes sa mga pampublikong paaralan ay nakiisa naman ang mababang kapulongan ng kongreso sa programa ng pamahalaan na maisakatuparan ang mga naipangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sambayanan.


Pormal nang inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture sa pangunguna ni Pasig City, representative Roman Romulo ang pinagsama-samang bersyon ng house bill 650 at 1947 na naglalayong ilapit na sa mga liblib na lugar na makapag patayo ng paaralan upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kababayan natin na hirap makapag aral dahil sa kalayuan ng kanilang lugar.

Kaugnay nito, sinabi ni Albay , 2nd district Rep. Joey Salceda na may akda sa house bill 650 na magkatulong ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at DepEd na maitayo ang mga classrooms at paaralan na pakikinabangan ng mas marami pang mag aaral.


Sa kaparehong akda ay siniguro naman nina Tingog Party-list representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre na ang house bill 1947 ay magbibigay ng kapakanan sa mga estudyante na maisa-ayos ang mga kalsada patungo sa mga paaralan na siyang naging suliranin sa loob ng maraming taon. ( Myrna Vere)

3

Related posts

Leave a Comment