PABAHAY SA YOLANDA VICTIMS 70% NANG TAPOS

nograles100

(NI BETH JULIAN)

HALOS makukumpleto na ang pabahay para sa mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa Region 6.

Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Kiko Nograles kung saan ibinalita nitong nasa 70 percent nang tapos ang pabahay sa Region 6 at 30 percent na lamang ang hindi pa natatapos.

“Sa aming record, 70% na sa buong Region 6 ang completed na, kaya mga 30% na lang ang hindi pa tapos. May ilang munisipyo na may problema pa, pero tiniyak naman ng National Housing Authority (NHA) na hindi sila magpapabaya at aayusin nila ang mga nakitang problema,” pahayag ni Nograles.

Ayon kay Nograles, kahit tapos na, may mga housing units pa na may problema sa tubig, kuryente, kaya hiniling nila ang tulong ng Local Water Utilities Administration (LWUA) at National Electrification Administration (NEA) kasama na rin ang electric cooperatives para i-fast track ang koneksyon ng tubig at elektrisidad.

Sinabi ni Nograles na ang commitment nila kay Pangulong Duterte ay matapos ang majority ng mga housing units sa 2019 at dapat 100% tapos na lahat sa 2020, pero majority sa pabahay ay tatapusin ng NHA ngayong 2019.

“Although ang sa ilang probinsiya ay mas makokompleto kumpara sa iba kung titingnan mo yung buong Region 6 base sa record ng NHA na 70% ang kompletong tapos na. Doon sa 70% na completed, ang 50% na iyon ay na-award na, yung 50% o yung kalahati ay hindi pa nai-a-award  kaya kailangan natin ang tulong ng mga local government units (LGUs) at mga mayors which kasi sa local inter-agency committee (LIAC) ang alkalde ang umuupong chair dun,” paliwanag ni Nograles.

Nilninaw pa ni Nograles na ang pipili ng benepisyaryo ng pabahay ay yung selection committee na binuo ng LIAC kung saan sa kanila dadaan ang proseso ng pagpili.

“May kompletong record kami ng housing projects para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Sa mga housing project sa bawat munisipyo ay may status report na nakalagay kaya malalaman ng alkalde, kapitan at maging ng benepisyaryo kung tama ito batay sa kanilang obserbasyon sa proyekto,” dagdag pa ni Nograles.

Nasa Iloilo ngayon si Nograles para pangunahan din ang Cabinet Assistance System (CAS) sa Region 6 na isang mekanismo ng pamahalaan para mapag-usapan ang mga issues at concerns sa bawat rehiyon na pwedeng i-elevate o maisama sa agenda sa pulong ng Gabinete.

300

Related posts

Leave a Comment