PACQUIAO DINUMOG SA PAGBABALIK SA SENADO

pacquiao43

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

GAYA nang inaasahan, dinumog ng maraming tagahanga at mga kasama sa Senado si Senador Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa pagbabalik nito sa bansa at sa trabaho nito.

Bago ang sesyon ay marami ang dumumog sa Pambansang Kamao na ang ilan ay nagbigay ng pasasalamat dahil sa ibinigay na karangalan sa bansa matapos ang panalo sa Amerikanong si Keith Thurman.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Pacman na nagpapasalamat ito sa mga kapwa senador sa inihandang pagpupugay sa pagbabalik nito sa trabaho na ilang buwan din nitong hindi sinipot.

“Thank you, Mr. President. Thank you, fellow senators and Senate family. Maraming salamat po sa inyong pagpupugay. Binabati ko rin po ang inyong liderato sa maayos na pagbubukas ng 18th Congress,” sabi nito.

Kasabay nito, umapela si Pacquiao sa mga kasama nitong senador na suportahan at ipasa ang inihain nitong panukala, ang Philippine Boxing and Combat Sports Commission, na naglalayong maghanap ng magagaling na boksingero upang mabigyan ng tamang oportunidad na makaahon sa hirap.

“Marami po ang nagsasabi na wala na pong ibang pwedeng maging Manny Pacquiao. Ngunit naniniwala po ako na marami pa tayong mga magagaling na mga boksingero na naghihintay lamang ng tamang oportunidad,” ayon pa sa fighting senator.

Panahon na umano na mag-invest ang pamahalaan sa mga boxing talents na may kakayahan na magtagumpay gaya nito.

“Mr. President, it is high time for us to invest on our boxing talents who are loaded with potentials. The so-called diamonds in the rough can just be around the corner. With our all-out support to the creation of the commission, Philippines can be the Boxing and Combat Sports Capital of Asia and beyond,” pagdidiin pa nito.

 

122

Related posts

Leave a Comment