PAG-AMYENDA SA CUSTOM MODERNIZATION ACT HINILING SA KAMARA

port area12

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINAAAMYENDAHAN ng isang kongresista ang Custom Modernization and Tariff Act (CMTA) upang magkaroon ng mandatory inspection sa mga cargo sa mga containers bago umalis sa kanilang port of origin.

Sa pagdinig ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, iginiit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na kailangang amyendahan ang Section 440 ng CMTA dahil ito ang isa sa mga nakikita nitong dahilan kung bakit patuloy ang smuggling activities.

“Smuggling continues unabated and as a result, hundreds of billions of pesos in revenue are lost every year.  Containers filled with tons of illegal drugs and other contrabands and luxury items continue to enter our ports and many of them even enjoying the privilege of using the ‘green lanes’ to facilitate their entry,” ani Atienza.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos aminin ng Bureau of Customs (BOC) na umaabot lamang sa 20 hanggang 25% sa 12,000 containers na pumapasok sa bansa araw-araw ang kanilang naiinspeksyon.

“This means 75-80% of containers are not even opened up.  So what is the basis for computing the taxes they are supposed to pay?” ani Atienza kaya dapat aniyang amyendahan ang nasabing batas upang lahat ng mga cargo sa mga container vans ay kailangang mainspeksyon muna sa kanilang port of origin bago payagang ibiyahe papunta sa Pilipinas.

Naniniwala ang mambabatas na dahil hindi naiinspeksyon ang mga container vans bago umalis sa port of origin ay nagkakaroon ng smuggling at katiwalian sa mga Custom personnels.

Maliban dito, hindi umano nakokolekta ang tamang buwis dahil hindi alam ng mga Customs personnel ang laman ng mga container vans na pumapasok araw-araw sa bansa.

“That is where corruption enters the picture.  This is the biggest problem that we must address squarely. Kapag ipinatupad ang mandatory pre-shipment inspection, masisiguro na makokolekta ang tamang buwis at matitigil ang pagpasok ng ilegal drugs at iba pang kontrabando. The government’s efforts against illegal drugs will be useless if tons of shabu continue to enter our ports thru uninspected container vans, even using the green lanes,” ayon pa kay Atienza sa nasabing pagdinig.

 

185

Related posts

Leave a Comment