PAG-APRUB SA BUDGET MADE-DELAY KUNG … — CAYETANO

(NI ABBY MENDOZA)

NANGANGAMBA si House Speaker Alan Peter Cayetano na made-delay ang pag-apruba sa 2020 P4.1T national budget kung gagawing bukas sa publiko ang bicameral conference committee dahil tiyak umanong marami ang maaaring mag-grandstanding na mga mambabatas.

Ang pahayag ay ginawa ni Cayetano bilang reaksyon sa panukala ni Lacson na isapubliko ang bicam upang malaman ng publiko kung saan at paano gagastusin ang pambansang pondo.

Ani Cayetano, ayaw nilang mangyari na mauuwi sa circus ang bicam dahil lamang sa gusto ng iilan.

Giit pa nito na ang mga kongresista ay nakauusap ang mga constituents at nakaapunta sa mga distrito kaya nalalaman nila ang mga pangangailangan ng mga ito habang ang mga senador ay walang ibang paraan para malaman ang mga pangangailangan ng publiko kundi sa pamamagitan lamang ng media.

Sa tuwing isinapupubliko umano ang hearing ay tiyak na magtatagal kaya upang maipasa ang budget sa oras ay dapat na tutukan na lamang ito ng mga mambabatas nang hindi na sinasapubliko.

“Kasi everyone who’s given their free 30 seconds, 5 mins, 10 mins, or 15 mins of fame will take that. We are talking about governance here. We are talking about getting things done here. We can’t always be playing to the gallery or playing to the media. Kapag ni-live mo, ginawa mong open ang bicam, ang mangyayari ay maraming magpe-play to the media, play to the gallery, rather than pag-usapan talaga paano ang isang budget,” giit pa ni Cayetano.

121

Related posts

Leave a Comment