(NI CHRISTIAN DALE)
BABARILIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng de-bombang baril ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) operators na hindi susunod sa tatlong araw na palugit na kanyang ibinigay para bayaran ang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Galit na sinabi ng Pangulo na huwag aniyang lolokohin ng mga POGOs operators ang mga Filipino.
“Wag ninyong lokohin ang Filipino. Bayaran n’yo ang mga utang n’yo, kapag kayong mga POGO, barilin ko kayo ng de-bomba,” ayon sa Pangulo sa kanyang one-on-one interview ng CNN Philippines.
Aniya, hindi lang mga Chinese kundi maging mga Filipino-Chinese na magparehistro sa BIR at kumuha ng tag number ang dapat na magbayad ng kanilang obligasyon na buwis sa BIR.
Ang hindi susunod ay gagawin umano niyang pugo.
“They are now ordered to register with the BIR and kumuha ng tag number. I’m telling them itong POGO, l**** ka, hindi lang ito Chinese kundi Filipino. Filipino-Chinese. You better settle that utang or else gawin ko kayong pugo p********,” ani Duterte.
155