PAG-IINGAY NG MGA SENADOR PARA LANG SA ELEKSYON – DUTERTE

0

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador na nagsasagawa ng Senate inquiries na habol lamang ng mga ito ay “exposure” dahil nalalapit na ang 2022 national elections sa bansa.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Talk to the People ni Pangulong Duterte noong Sabado na may iba’t ibang opisyal ng pamahalaan ang nasasayang ang oras at effort sa pagdalo sa Congressional hearings sa halip na gawin ang kanilang trabaho para tugunan ang COVID-19 pandemic.

Aniya, ang mga imbestigasyon na ito ay maiiwasan kung babasahin muna ng mga mambabatas ang mga “voluminous” reports na ipadadala sa kanila na may kinalaman sa Bayanihan 1 at 2 Laws.

“At the very least, they would have at least cared to read those reports so we could have avoided these hearings… this daily hearing, your honor. They are only on their fifth day, and I think they intend to break the record on the hearing of the Binay investigation for 25 days, your honor. We’re wasting so much time and effort in fighting a pandemic, your honor. We cannot waste a day hearing on all these matters, your honor,” ayon kay Medialdea.

Kinatigan naman ni Pangulong Duterte ang posisyon ni Medialdea sabay sabing isa si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa madalas na pinatatawag sa Congressional hearings.

“Papaano tayo makatrabaho neto kung nandoon kayo? Well anyway, I’ll tell you why. The reason is, it is election time and they want exposure and they think that if they come up with certain corruption cases, true or false, they can get the mileage,” ayon kay Pangulong Duterte.

“The only reason also why we are doing it to them is because they cannot have… Gordon cannot have his cake and eat it too. So, ‘yung tinutumbok n’ya e sasagot ako,” dagdag na pahayag ng Pangulo ung saan ang tinukoy ay si Senador Richard Gordon, nangunguna sa Senate investigation kaugnay sa diumano’y overpriced pandemic-related goods.

Inakusahan din nito si Gordon ng paggamit kay sinibak na Police Colonel Eduardo Acierto sa kanyang imbestigasyon.

Inulit naman ni Pangulong Duterte ang kanyang alegasyon laban kay Acierto, sinasabing nasa likod ng pag-angkat ng AK-47 rifles, na diumano ay ibinibigay sa New People’s army (NPA).

Binanggit din ng Pangulo ang diumano’y pagkakasangkot ni Acierto sa importasyon ng shabu na natagpuan sa loob ng magnetic lifters at ang kanya umanong partisipasyon sa extortion o pangingikil sa Chinese businessmen.

“‘Yan ang trabaho ni Acierto. He is guilty of treason against the country and a criminal at that, and he is being utilized by Gordon… Kaya Gordon sumabay ka na kay Acierto pareha na kayo, halos pareha na ang style nyo,” ayon kay Pangulong Duterte.

“Namumulitika itong si Gordon using itong dubious characters and underworld characters who became a character in police files for committing crimes,” dagdag na pahayag ng pangulo. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment