PAG-IRAL NG NAT’L ID SYSTEM, PUNTIRYA SA 2022

TARGET ng pamahalaan na maisama na sa data base ng National ID system sa taong 2022 ang lahat ng mga Filipino.

Subalit, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na inuuna munang makumpleto ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang 5 milyong Filipino households bago matapos ang taong 2020.

Ito, ayon kay Sec. Roque ang mariing ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Neda acting director general Karl Chua nang italaga siya sa ahensya.

Ani Sec. Roque, pinamamadali na ng Punong Ehekutibo ang national ID system dahil nakita nito ang kahalagahan nito lalo na sa pagbibigay ng mabilisang ayuda para sa mga biktima ng iba’t ibang uri ng sakuna o kalamidad.

Kung mayroon lamang aniyang National ID system ang bansa ay hindi na sana naantala at nahaluan ng katiwalian ang pamamahagi ng donasyon sa mga Filipino na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. CHRISTIAN DALE

59

Related posts

Leave a Comment