PAG-UPO NI CARDEMA SA DUTERTE YOUTH, BINAWI

dutyouth12

ILANG minuto matapos ihayag na maaari nang maupo bilang kinatawan ng Duterte Youth si Ronald Cardema, sinabi ni Comelec Commisioner Guanzon na hindi pa umano ito pinal kasabay ng pagbawi ng kanyang posisyon.

Nilinaw ni Guanzon na ang substitution plea bilang Duterte Youth nominee ni Cardema ay umuusad ngunit hindi pa umano ito aprubado.

Nag-post si Comelec spokesperson James Jimenez’ sa social media kung saan pasok na si Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth sa pagbubukas ng 18th Congress subalit agad din itong binasag ni Guanzon sa kanyang tweet kung saan binigyang-diin nito na ang ‘substitution is not yet granted.’

Magugunita na  nag-withdraw ng kanilang nominasyon ang limang nominado ng grupo kabilang ang asawa ni Cardema na si Ducielle, noong Mayo 12, o isang araw bago ang halalan, at naghain ng petition for substitution si Cardema ng araw ding iyon.

Umusok ang  kontrobersiya at marami ang tumutol dahil 33-taong gulang na umano si Cardema.

Nakasaad sa Party-list System Act, ang isang nominado ng youth sector ay hindi dapat na lalampas sa 30 taong gulang.

Ang Duterte Youth ay kabilang sa mga party-list groups na nakakuha ng isang pwesto noong midterm polls.

186

Related posts

Leave a Comment