PAG-UPO NI PINOL SA MINDA DEPENDE KAY MURAD

MURAD EBRAHIM12

(NI CHRISTIAN DALE)

DEPENDE sa magiging desisyon ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim ang posibleng pag-upo ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority(MinDA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang dahilan kaya inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Huwebes ng gabi na kakausapin niya muna si Ebrahim bago iupo si Piñol.

Kailangan aniyang makuha muna ang pulso ng BARMM dahil mahalagang may kumpiyansa at tiwala ang mga ito sa opisyal na tutulong sa pagpapaangat sa Mindanao.

“Kausapin muna ng Presidente si Murad, kasi baka naman hindi pumayag, eh kung hindi pumayag, ‘di hindi naman siya siyempre aalis,” ayon kay Sec. Panelo.

Aniya, bahagyang bumagal ang isinusulong na mga programa sa Mindanao matapos pumanaw ang dating pinuno ng MinDA na si Datu Abul Khayr Dangcal Alonto.

Kamakailan ay nagsumite na ng kanyang courtesy resignation si Piñol kay Pangulong Duterte noong Huwebes at hinihintay na lamang na magkausap ang Presidente at si Murad para magsimula ang kalihim sa bagong trabaho.

120

Related posts

Leave a Comment