PAGBABA NG NAGUGUTOM NA PINOY ADHIKAIN NG PALASYO

happy12

(NI BETH JULIAN)

ITINUTURING na magandang simula ng Malacanang ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na bahagyang pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na nakararanas ng kagutuman sa first quarter ng 2019.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito na ang second consecutive quarter na nagkaroon ng pagbaba sa national hunger incidence.

“We wish to point out that hunger incidence declined in Metro Manila to 6.6% from 18.3% last December 2018 to 11.7% last month. The polling firm SWS said this is the first in four consecutive quarters that there was a decrease in Metro Manila’s hunger incidence,” pahayag ni Panelo.

Base sa resulta ng PSA survey na  isinagawa noong Marso 28 hanggang 31, 2019, nasa 9.5 percent o 2.3 milyon pamilya ang nakararanas ng gutom sa pagitan ng Enero hanggang Marso.

Ipinakikita rin sa survey na ito na tapat  ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo

Resulta rin nito ng pro-poor social amelioration programs gaya ng libreng tuition sa state colleges at universities, libreng irigasyon para sa mga magsasaka, universal health care para sa lahat ng mga filipino, libreng gamot  para sa mga indigent Filipinos, institutionalized free school feeding program para sa public school children, umento sa sahod sa mga pulis, bumbero, sundalo at jail personnel at guro, mataas na pension para sa seniors at war veterans, at iba pa.

Batay sa ulat, ang 9.5 percent o 2.3 milyong pamilyang mga nagugutom sa pagitan ng Enero hanggang Marso ay mas mababa ng isang puntos mula sa 10.5% o 2.4 milyong pamilya sa kaparehong survey sa unang kwarter ng 2018.

Nito lamang Marso, nakitaan ng pagbaba ng bilang ng pamilyang nagugutom sa Metro Manila, mula 18.3 percent o 581,000 pamilya nitong Disyembre ay naging 11.7 percent o 387,000 pamilya na lamang habang sa Mindanao ay bumaba rin ang kagutuman mula sa 8.3 percent o 443,000 pamilya noong Disyembre kumpara sa 6.1 percent o 345,000 pamilya nitong Marso.

 

 

140

Related posts

Leave a Comment