PAGBABAKUNA SA EDAD 5-11 PAG-AARALAN NG IATF

0

KAILANGAN munang pag-aralan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung kapaki-pakinabang ba talaga ang pagbabakuna sa mga batang may edad na 5 hanggang 11 laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa press briefing, tinukoy ni National Task Force (NTF) against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na ang mga batang may kinatatakutang coronavirus ay kadalasang mayroon lamang “very mild symptoms” gaya ng ubo at lagnat.

Mayroon naman aniyang ilang minor COVID-19 patients ang nagkakaroon ng multi-organ dysfunctions kapag ginamot na sa intensive care unit (ICU) ng ospital.

“Magdadagdag pa tayo ng mga polisiya, so kailangan ding tutukan ng ating IATF at ng kanyang mga adviser kung talagang beneficial ba talaga ibigay ito sa mga Pilipinong bata,” ayon kay Herbosa.

Habang ang desisyon na bakunahan ang mga kabataang 12 taon pababa ay nakabinbin pa, sinabi ni Herbosa na inaasahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas ang aplikasyon ng Pfizer-BioNTech manufacturer para sa emergency use authorization (EUA) ng bakuna nito para sa 5 hanggang 11 year old age bracket.

“At iyan ay hopefully mabilis mag-approve ang FDA, within three weeks once nag-apply sila ng mga studies nila at pruweba na epektibo at beneficial ang bakunang ito, bibigyan iyan ng EUA, idadagdag iyan doon sa EUA na existing na sa Pfizer,” aniya pa rin.

Aniya, ang “long-term sequelae effect” ng virus sa mga kabataan ay isa sa mga dahilan kung bakit may ilang medical experts ang kinukonsidera na itulak ang pediatric vaccination, partikular na sa 11 taong gulang pababa.

Sinabi ni Herbosa na ang “long-term sequelae” ng COVID-19 ay tumutukoy sa paghina ng puso at baga ng mga kabataan bukod pa sa hindi na magagawa ng mga ito ang kanilang normal activities.

“Para itong nangyari sa polio, for example, iyong mga may polio iyong binti. Napi-prevent iyon ng bakuna,” lahad ni Herbosa.

“Once Pfizer is approved, children below 11 years old will be administered with two doses but will get a much lower concentration of mRNA nanoparticles, compared to adults and teenagers, aniya pa rin.

Habang hinihintay aniya ang ilang developments sa pediatric vaccination, tinukoy ni Herbosa ang pangangailangan na tiyakin ang kaligtasan ng younger population laban sa COVID-19, partikular na sa mga pupunta sa public places at closed areas gaya ng malls.

“Remember kahit vaccinated, puwede kang maging carrier, wala kang sintomas pero may dala kang virus doon sa iyong place. So, puwede talagang mahawa iyong mga bata theoretically na lumalabas sa mga mall,” ayon kay Herbosa.

Samantala, mas makabubuti naman sa mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa open areas gaya ng parks sa halip na sa malls o sa ibang closed areas. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment