Pagbabakuna tuloy-tuloy 202M VACCINE DOSES BIBILHIN NG PINAS

0

(CHRISTIAN DALE)

MULA sa inisyal na 148 milyon ay puntirya na ngayon ng Pilipinas na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na target ng bansang bumili ng 158 million doses at tumanggap ng dagdag na 44 million doses mula sa COVAX Global vaccine sharing facility matapos tumaas ang produksyon ng bakuna.

Ito’y kasunod na rin ng pagtupad ng World Health Organization at COVAX Facility sa commitment nito, pagbabahagi ng mayayamang bansa ng sobrang bakuna nila at pakikipag-negosasyon ng gobyerno sa vaccine manufacturers.

Aniya, nakuha na ng bansa sa murang presyo ang mga bakuna kaya’t makaka-secure na ang Pilipinas ng 202 million doses nito na kinabibilangan ng 40 million doses mula sa Pfizer BioN’tech kung saan pipirmahan nito at ng Pilipinas ang terms para rito.

“Dahil nakuha natin mababa yung presyo, ngayon po ang makukuha natin ay 202 million doses,” ayon kay Galvez sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Huwebes ng gabi.

“Among these will be 40 million doses of the Pfizer-BioNTech vaccine, for which the Philippines and Pfizer are about to sign a head of terms,” dagdag na pahayag ni Galvez.

Sa kabilang dako, inaasahan naman ng bansa na tataas ang vaccine inventory nito sa second quarter ng taon.

“Dati po, in the first quarter, the vaccines were coming in trickles. Ngayon po, they’re coming in millions,” aniya pa rin.

Samantala, umabot na sa kabuuang 4 na milyon vaccine doses mula sa buwan ng Pebrero hanggang Abril ang natanggap ng bansa habang mayroon namang natanggap ang bansa na 3,753,450 doses para sa buwan ng Mayo.

Ito ay kinabibilangan ng: 30,000 Sputnik V doses mula sa Russian manufacturer Gamaleya Institute, 1,500,000 Sinovac doses na binili ng pamahalaan, 2 million AstraZeneca doses mula sa COVAX facility, 193,050 Pfizer-BioNTech doses mula sa COVAX facility.

Inaasahan naman na makatatanggap ang Pilipinas ng 7,753,450 doses ngayong buwan. Kabilang na rito ang 2.2 million doses ng Pfizer-BioNTech vaccine mula sa COVAX—”almost double the amount the Philippines was initially set to receive for this month,” ayon kay Galvez.

“Supposed to be 1.2 million lang ang makukuha natin na Pfizer, pero nagtanong sila, ‘Kaya ninyo bang i-administer yung 2.2 million ngayong May?’ Sinabi po namin, ‘Kayang-kaya naming itanggap, so yung Pfizer makukuha natin yung 2.2 million this May, sa COVAX,” lahad nito.

Inaasahan din ng bansa ang 500,000 Sinovac doses sa Mayo 20 at maging ang 1.3 million na Sputnik V doses, kabilang na ang 300,000 na darating sa susunod na linggo.

Inaasahan din ng pamahalan na makatatanggap ng 10.05 million vaccine doses sa Hunyo. Ito’y kinabibilangan ng: 2 million AstraZeneca doses na mapupunta sa LGUs na ia- administered bilang second dose, 1.3 million AstraZeneca doses para sa pribadong sektor, ang first shipment ng Moderna vaccines sa bansa na kinabibilangan ng 250,000 doses, 4.5 million Sinovac doses, kabilang na ang 500,000 para sa Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII), 2 million Sputnik V doses.

“Ang magiging inventory natin by the end of June ay 21,829,050,” ang pahayag ni Galvez.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment