PAGBABAWAL SA NO PERMIT, NO EXAM POLICY APRUB SA SENADO

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang reconciled version ng panukala na nagbabawal sa pagpapatupad ng No permit, no exam policy sa mga paaralan.

TIniyak ni Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education Chairman Chiz Escudero na ang bersyong inaprubahan ng bicameral conference committee ay suportado ng mga kinatawan ng education sector sa pangunguna ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA).

Sinabi ni Escudero na maituturing na isa sa mga legasiya na kanilang maiiwan ang batas na magbabawal nang ipatupad ang ” No permit, No exam policy” na matagal ng practice sa mga paaralan.

Hindi anya maganda ang nagiging resulta ng polisiya na matagal ng naipapatupad sa mga paaralan na naaapektuhan ang pangarap ng mga estudyante na makapagtapos balang araw.

Bukod sa ” No permit, No exam policy” hindi rin papayagan sa panukala ang pagbabawal na makapag-enroll, makapag-exam at anumang assessment sa paaralan kapag hindi bayad ng kabuuang tuition ang isang estudyante.

Nilinaw naman ni Escudero na hindi ito nangangahulugan na inaalis na ang anumang obligasyon ng estudyante sa paaralan.

Isusumite naman sa Malakanyang ang panukala para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. upang maging ganap na batas.

(DANG SAMSON-GARCIA)

91

Related posts

Leave a Comment