PAGBABAWAL SA PAGBEBENTA NG IMPORTED PAMPANO AT PINK SALMON PINAIIMBESTIGAHAN SA SENADO

NAIS ni Senador Raffy Tulfo na imbestigahan ng Senado ang kautusan ng Bureau of Fisheries nd Aquatic Resources (BFAR) na ipagbawal ang pagbebenta ng mga imported na isda na pampano at pink salmon sa mga palengke simula ngayong Disyembre.

Tinukoy ng senador ang Administrative Order 195 kung saan ang binibigyan lamang ng exemption sa certification sa importasyon ng isda ay ang mga gagamitin para sa canning at processing purposes.

Kinuwestiyon ni Tulfo kung bakit naisama sa exemption na ito ang mga institutional buyers gaya ng mga hotel at restaurants.

Para sa senador, maituturing na ‘anti- poor’ ang kautusan dahil nalilimita na lang sa mayayaman ang pampano at pink salmon dahil ang mga mahihirap ay sa wet markets nakakabili ng mga isda at kadalasang walang pagkakataong makakain sa mga restaurant at hotels.

Iginiit din ng mambabatas na dapat ay sa mga pantalan at ang bureau of customs ang maging sentro ng kautusan na ito at hindi ang maliliit na tindera sa palengke.
isa ring pinagtataka ni Tulfo ay kung bakit ang pampano at salmon lang ang pinagbabawal at hindi ang iba pang imported fish products gaya ng cream dory. (Dang Samson-Garcia)

38

Related posts

Leave a Comment