PAGBALIK SA ECQ NG MGA NASA GCQ, POSIBLE

MALAKI ang posibilidad na muling isailalim sa enhanced community quarantine ang mga lugar na nasa ‘looser restrictions’ sa oras na lumala ang COVID-19.

Kaugnay ito sa mga balita na binalewala ng publiko ang social distancing rules sa public places gaya ng malls nang magdagsaan ang mga ito matapos na ilipat ang Metro Manila, Laguna, at ilang lalawigan sa Central Luzon sa modified enhanced community quarantine, na pinapayagan ang muling pagbubukas ng ilang negosyo.

Ang natitirang lugar sa bansa ay isinailalim naman sa ‘more relaxed general community quarantine.’ “Inaasahan namin po ang full cooperation ng lahat. Kung wala pong full cooperation, siyempre po babalik sa ECQ dahil hindi naman pupuwedeng magpabaya ang estado sa obligasyon na protektahan ang kalusugan ng kanyang mamamayan,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

“Pag ganyan po tayo nang ganyan, lahat ay mabibigyan, hindi ng ayuda, kung hindi ng COVID-19,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Inulit ni Sec. Roque na ginawa ng pamahalaan na i-relax ang ilang restriksyon upang buhayin ang ekonomiya na labis na naapektuhan nang ginawang pagsasara ng maraming negosyo at industriya. Aniya pa, nananatili ang banta ng virus lalo pa’t hanggang ngayon ay wala pang gamot o bakuna para rito.

Binigyang diin ni Sec. Roque na ang naging aksyon ng gobyerno na ilagay ang Metro Manila at iba pang lugar sa ilalim ng MECQ ay hindi isang pagkakamali.

“Hindi naman po kasi talagang after two months gaya ng buong daigdig kinakailangan naman natin na buksan nang bahagya ang ating ekonomiya, kaya nga lang inaasahan natin sana dahan-dahan, unti-unti, hinay-hinay pero nangyari po talaga ay nagdagsaan,” aniya pa rin.

Samantala, kinunsidera naman ng pamahalaan ani Sec. Roque ang ‘doubling time of infections, healthcare capacity, at epekto ng ekonomiya’ para pagbasehan ng naging desisyon nito. CHRISTIAN DALE

149

Related posts

Leave a Comment