PAGBAWI NG SECURITY DETAIL NI AQUINO ‘DI DAHIL SA ‘NINJA COPS’

(NI AMIHAN SABILLO)

PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde na walang kinalaman ang pag-pull out ng PNP security detail ni PDEA Director General Aaron Aquino, ukol sa pagbubunyag sa Senado ng PDEA tungkol sa “ninja cops”.

Sinabi ng PNP Chief, ipinaliwanag na ni PRO3 Regional Director PBgen Joel Napoleon Coronel na ang pag-pull out sa 15 security ni Aquino na pawang mga miyembro ng PRO3 Regional Mobile Group ay dahil kailangan ng PRO 3 ang kanilang mga tauhan sa idaraos na SEA games.

Hindi umano alam kung nagkaroon ng ‘special accommodation’ ang PRO 3 kay Aquino na naging dating regional director ng PRO 3 kaya siya nabigyan ng 15 PNP escorts.

Paglilinaw ni PNP Chief, na labag ito sa ‘Alunan doctrine’ na nagpapahintulot lang ng dalawang police escorts mula sa Police Security Protection Group o PSPG sa mga opisyal ng pamahalaan.

Gayunpaman, sinabi ng PNP Chief dahil sa batid ng PNP na sensitibo ang posisyon ng pinuno ng PDEA, willing naman silang i-accommodate ang request ni Aquino na ibalik sa kanya ang kanyang PNP security personnel.

Pero kailangan din munang hingan nila ng komento ang Regional Director ng PRO 3 dahil mga tauhan niya ang ililipat sa Police Security Protection Group para mai-assign bilang security ni Aquino kung saka-sakali.

Pansamantala umanong nagtalaga ang PNP ng 4 na police escorts kay Aquino habang pino-proseso ang kanyang request na ibalik ang kanyang orihinal na security detail.

423

Related posts

Leave a Comment