PAGBUBUNGKAL NG KALSADA PINAHIHIGPITAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG mapaluwag ang mga kalsada, kailangang isunod na ng Malacanang ang paghihigpit laban sa mga kaliwa’t kanang pagbubungkal ng mga kalsada na isa sa mga dahilan ng lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ito ang iminungkahi ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa gitna ng kampanya ng mga local government units (LGUs) sa  utos ng Malacanang na ibalik sa mga kalsada sa taumbayan.

Ayon sa mambabatas, kaliwa’t kanan ang pagbubungkal ng mga kontraktor at mga pribadong kumpanya sa tubig, gas, elektrisidad at maging ang mga telecommunication companies.

Gayunpaman, hindi agad tinatapos aniya ng mga ito ang kanilang trabaho at hinahayaang nakatiwangwang sa matagal na panahon na nagdudulot ng abala sa mga tao lalo na sa daloy ng trapiko.

“We need highly disciplined road diggings, considering that there could be up two million of them nationwide every year, including those done by utility companies,” ani Atienza.

Nais nito na pagbayarin ng malaki ang mga ito kapag hindi nagawa ang kanilang mga proyekto sa pinagkasunduang panahon upang masiguro natapusin agad ng mga ito ang kanilang trabaho.

‘DI NA KAILANGAN ANG EMERGENCY POWER

Samantala, naniwala ang mambabatas na hindi na kailangang ang emergency power para maresolba ang trapiko dahil unti-unti nang ibinabalik ng mga local officials ang mga kalsada sa taumbayan.

“As we’ve been pointing out repeatedly, the government does not really need emergency powers to fix road congestion. It has ample police powers to remove all unwanted road obstructions,” ani Atienza.

Political will lang aniya ang kailangang tulad ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga LGUs na binigyan ng 60 araw para ibalik ang mga kalsada sa mga tao dahil kung hindi ay kakasuhan ang mga ito.

“This is the State flexing its muscles and using its police powers to reclaim and give back to the people all the roads and sidewalks that rightfully belong to them,” ani Atienza.

Ang nasagaan aniya sa kautusang ito ni Duterte ay ang mga corrupt officials na matagal na nagpabaya sa kanilang tungkulin dahil sa laki ng perang umaakyat sa kanila.

“The corruption that pervades the illegal use of roads and sidewalks – as public transport terminals, parking spaces and vending areas – involves crooked local motor vehicle traffic bosses, active and retired police and military officers and barangay officials, among others,” dagdag pa nito.

 

332

Related posts

Leave a Comment