KINONTRA ni Senador Joel Villanueva ang panukala na buhayin ang online cockfighting, o e-sabong upang mabawi ang mga nawalang kita sa pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
“We have just defeated an enemy with the POGO ban, and now some are considering resurrecting e-sabong, which is far worse because it directly targets our kababayans from all walks of life,” saad ni Villanueva.
“While we badly need revenues, the choice should not be between the devil and the deep blue sea. We want our revenues coming from legitimate, legal, and sustainable sources,” dagdag ng senador.
Una nang inihain ni Villanueva ang Senate Bill No. 1281 na naglalayong ipagbawal anng lahat ng uri ng online gambling sa bansa.
“No matter how you look at it, the social costs of gambling overshadow the intended benefits,” diin ng senador.
Kahit anya noong kalakasan ng POGO, sinabi ni Villanueva na hindi naman napatunayan na solusyon ito para mapataas ang kita ng gobyerno dahil maliit lang ang nakolekta sa industriya.
Gayundin, pinaalalahanan ng BIR ang mga e-sabong operators bago pa ipag-utos ang ban na bayaran ang kanilang obligasyon sa buwis.
Bigo rin anya ang BIR at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na makolekta ang 20-percent tax sa mga nanalo sa online sabong operators dahil nagsimula ang virtual cockfighting noong 2020.
Inamin naman ng PAGCOR sa pagdinig sa Senado na nagpapatuloy ang e-sabong kahit ban na ito at katunayan nasa 789 e-sabong ang nag-ooperate
“Similar to POGOs, e-sabong has brought social costs—worse, it destroys Filipino families, plunges individuals into severe debt, and even forces some to commit theft and crimes to fund their gambling habits,” giit ni Villanueva.
“We cannot simply turn a blind eye to the suffering of our people who have become victims of the pitfalls of gambling. Money should not be our only consideration; the welfare of our people must come first,” dagdag ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)
35