PAGCOR TARGET LUSAWIN

PARA sa isang kongresista, imoral para sa gobyerno ang magpasimuno ng anumang anyo ng pagsusugal tulad ng casino.

Kaya naman hiling ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto, dapat nang buwagin ang ahensyang nagsusulong ng casino sa layong makalikom ng pondo.

Kasabay ng panawagang pagbuwag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, iginiit niyang bumuo ng isang bagong ahensyang papalit sa PAGCOR — ang Philippine Amusement and Gaming Commission (PAGCOM).

“Under this bill, the present PAGCOR is abolished while a Philippine and Gaming Commission is created which will discharge the function of regulating the gamiting operations in the country,” ani Recto.

Ayon pa sa mambabatas, walang puwang sa gobyerno ang pagpapatakbo ng mga gaming facilities tulad ng casino. Sa halip aniya, dapat tiyakin na lamang ng pamahalaan na nasa ayos at naaayon sa mga umiiral na batas ang mga pasugalang pinapatakbo ng mga private gaming firms sa bansa.

“Instead, the government should adopt the policy that its role should only be esteering and not rowing. This means, government should deal with coordination and control of gaming entities byd should not get involved in direct gaming operations,” aniya pa.

Pasok din sa nasabing panukala ang pagsasapribado ng Privatization and Management Office (PMO).

Paliwanag pa ng kongresista, sa sandaling maisapribado ang PMO,, ang mga kikitain ay marapat na ipasok sa National Treasury upang maging bahagi ng general fund na paghuhugutan ng pamahalaan ng salaping panustos sa mga proyekto sa ilalim ng general appropriation act (GAA).

Nakasaad rin sa na ililipat sa mga local government units ang karapatan at kapangyarihang mag-isyu ng lisensya sa mga gaming hubs sa nasasakupang lalawigan, lungsod o bayan.

Aatasan din ang mga LGUs na maningil ng P1,000 kada ulo sa mga magtutungo sa mga casino, dayuhan man o lokal na mamamayan.

Mas sigurado din diumano ang pondo para sa gobyerno kung maisasabatas ang kanyang panula.

Bukod sa 5% gross revenue tax, kokolektahin din ng PAGCOM ng 25% ang mga Casino at mga kahalintulad na pasugalan sa kanilang gross earnings. (BERNARD TAGUINOD)

35

Related posts

Leave a Comment