PAGDAKIP SA MGA AKTIBISTA KINONDENA SA SENADO

(NI NOEL ABUEL)

INALMAHAN ni Senador Francis Pangilinan ang pagsalakay na isinagawa ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga miyembro ng aktibistang grupo sa lalawigan ng Negros at sa Metro Manila.

Giit ni Senador Kiko Pangilinan, hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagsalakay ng mga awtoridad kung saan itinuturing na ordinaryong mamamayan ang mga aktibista na ginagawa lamang ang karapatan ng mga ito.

“Activists are ordinary citizens who actively engage the state to fulfill its duty to the people. They actively exercise their right to demand public service and accountability. A responsible government does not respond to these engagements and demands with force, violence, or even criminal acts,” aniya.

Nababahala si Pangilinan na basta na lamang ang ginagawang pagdakip ng mga awtoridad sa mga aktibista sa Negros at Metro Manila na ang ilan ay pawang mga menor de edad.

“We condemn these arrests and raids, an appalling continuation of the apparent state policy to decimate any opposition to its wrong-headed policies like the fake but nonetheless deadly drug war,” giit ng senador.

Paliwanag pa nito na kabaligtaran ang ginagawa ng PNP sa tunay na obligasyon ng estado na protektahan ang karapatan ng mamamayan at hindi wasakin ang mga ito.

 

129

Related posts

Leave a Comment