Pagdalo sa paggunita ng Independence Day tiniyak DUTERTE HINDI AABSENT

0

PERSONAL na dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa komemorasyon ng Independence Day ng bansa ngayong Hunyo 12.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ito’y gagawin sa labas ng Metro Manila subalit hindi naman niya sinabi kung saan “for security reasons.”

Bibigyang-pugay, ani Sec. Roque ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na nagsakripisyo para ipaglaban ang kalayaan ng bansa.

“Ang mensahe po natin, talagang ang Pilipino sa mula’t mula iaalay ang buhay para sa kalayaan ng inang bayan,” anito.

Samantala, ang kauna-unahang pagkakataon na “physically present” ang pangulo sa pagdaraos ng Independence Day rites mula nang maging pangulo siya ng bansa ay noong Hunyo 30, 2016 sa 2018 commemoration sa Kawit, Cavite. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment