PAGDEDEKLARA NG STATE OF ECONOMIC EMERGENCY PINAG-AARALAN NA

PINAG-AARALAN pa rin ng Malakanyang ang panawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdeklara ng state of economic emergency sa gitna ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo dala ng Russia-Ukraine conflict.

Nanawagan kasi ang ilang kongresista sa pangunguna ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda kay Pangulong Duterte na magdeklara ng state of economic emergency at magpatawag ng special session sa Kongreso para talakayin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at para sa agarang pagbibigay ng ayuda sa transport sector.

Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na nagprisinta na si Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ng 14 rekomendasyon para mapagaan ang epekto ng Russia-Ukraine war.

Suportado naman ni Pangulong Duterte ang mga rekomendasyon ni Chua at inimbitahan ang mga mambabatas na makipag-usap sa kanyang economic team.
“Ito ay masusing pag-aaralan ng Palasyo sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary.

Para naman kay Energy Secretary Alfonso Cusi, “unnecessary at this point” ang magdeklara ng state of economic emergency.

Tiniyak ng Kalihim na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tugunan ang oil price hikes. (CHRISTIAN DALE)

86

Related posts

Leave a Comment