PAGGAMIT NG SQUIDPAY PAYMENT SA TRANSPORTASYON, ITINUTULAK

SINUSUPORTAHAN ng ilang public transportation advocates ang panawagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpatupad ng mga hakbang na babawas sa bantang panganib ng COVID-19 sa pamamagitan ng paglalatag ng AFCS sa lahat ng public utility vehicles.

Dahil dito, nasa 30,000 kasapi ng Laban TNVS, ng mga taxi, UV express, at jeepney transport operators ang naki- pagpartner sa SquidPay para sa Automated Fare Collection System (AFCS) na isang tamang taktika sa social distancing.

Nauna rito ay naghanap ang gobyerno ng mga istratehiya para pigilan ang pagkalat ng virus at nakitang ang AFCS ang mahusay na pamamaraan sa pampublikong transportasyon.

Kaya ang mga taxi operator ay gagamitin ang SquidPay app para sa kanilang mga pasahero na maging cashless ngayong panahon ng COVID-19 kung saan napakahalaga ng social distancing at minimal human-to-human contact.

Sa pamamagitan ng SquidPay AFCS, awtomatikong gumagawa ng “passenger timestamps” na magagamit ng mga awtoridad para magsagawa ang episyenteng contact tracing mechanism kung kinakailangan.

Ang SquidPay na mabilis na lumalaking  payment solutions company at agresibong nagsasagawa ng contactless automatic fare collection ay opisyal nang kapartner ng Laban TNVS, Lawyers for Commuters’ Safety & Protection, Dumper Phil Taxi Drivers Association, Stop&Go, at Euro Taxi upang pagbutihin at palakasin ang serbisyo sa pamamagitan ng “innovative automatic fare collection system (AFCS)”.

Sa pamamagitan ng SquidPay, ang mga pasahero ay maginhawang makapagbabayad ng pasahe sa pamamagitan ng tap cards, NFC, or QR code.

Ang buong Metro Manila na nasa ilalim ng community quarantine sa loob ng mahigit 60 araw ay nalalapit na sa pag-aalis ng lockdown. DAVE MEDINA

75

Related posts

Leave a Comment