PAGGAMIT SA BANGKETA KOKONTROLIN NA

bvarbers44

(NI BERNARD TAGUINOD)

GAGAWA na ng batas ang Kongreso para iregulate o kontrolin na ng national government ang paggamit sa mga bangketa at kalsada, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa mga urban areas sa buong bansa.

Sa ilalim ng House Bill 504 na iniakda ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tinawag niyang “Sidewalks and Public Roads Use Act”, sinabi nito na panahon na para kontrolin ang paggamit sa mga bangketa at kalsada para sa kapakanan ng dumadaan.

Maliban dito, layon din ng nasabing panukala na tuluyang maayos ang problema sa trapiko, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga urban areas sa mga probinsya para umusad ang kanilang ekonomiya.

Kailangan na rin umanong tapusin ang gawain ng mga residente sa mga urban areas na ginagawang paradahan ng mga ito ang mga kalsada gayong hindi nito ito pag-aari kundi ng lahat ng mga tao.

Marami rin aniyang mga negosyante na sinasakop din ang bangketa sa kanilang harapan para paradahan ng kanilang mga customers gayung pag-aari ito ng gobyerno kaya hindi magamit ng mga tax payers.

156

Related posts

Leave a Comment