PAGGASTA SA COVID-19 BUDGET BUBUSISIIN

0

BUBUSISIIN ng mababang kapulungan ng Kongreso kung paano ginamit ng Duterte administration ang mga pondo sa paglaban sa COVID-19.

Sa isang TV interview kahapon kay House Speaker Lord Allan Velasco kaugnay ng mga prayoridad ng Kongreso sa pagbabalik ng mga ito sa Lunes, sinabi nitong magsasagawa sila ng imbestigasyon.

“Is it a priority to look into how government so far spent the money for COVID-19 response? Definitely kailangan yun,” ayon kay Velasco dahil hindi lang umano power of the purse meron ang mga ito kundi may oversight power din.

Bukod sa Bayanihan 1 at 2 na bilyon-bilyon ang inilaan halaga para tugunan ang problema sa COVID-19 pandemic, nangutang din umano ang gobyerno para pondohan ang laban sa pandemya kaya lumobo ng mahigit P11 trillion ang utang ng bansa noong nakaraang taon.

Ikinatuwa naman ito ng Makabayan bloc lalo na’t mistulang tumigil na ang executive department sa pagre-report sa Kongreso kung paano ginamit ang pondo sa COVID-19 pandemic.

“Dapat lang maimbestigahan dahil nilalaro lang tayo ng mga nasa executive. Binibigyan tayo ng very glowing reports via media briefings but wala tayong hawak (na report) kung paano nila detalyado ginugol ang pondo na inilaan sa COVID-19 response,” ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

Kailangan muna aniyang malaman ng taumbayan kung papaano nagagamit ang bawat sentimo ng pondo at kung nakarating ito sa mga tao dahil sila ang magbabayad sa mga inutang ng gobyerno para tugunan ang problema sa COVID-19.

Kasama sa iimbestigahan ang isiniwalat ni Sen. Manny Pacquiao na may nawawalang P10 billion sa Social Amelioration Program (SAP) dahil hindi ito nakarating sa beneficiaries. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment